View Larger Ooh this flower! :D gusto ko ako lahat ang kakain ng ganito kapag may Cake. :D #childhood
View Larger Ooh this flower! :D gusto ko ako lahat ang kakain ng ganito kapag may Cake. :D #childhood
Maghanap ng iba.
Sabi nga walang gamot sa tanga kundi pag kukusa. Mahirap ipagpilitan ang sarili sa piling ng iba. Puro sakit at poot lang ang mararamdaman mo. Mabuti pang maghanap ka ng iba. Yung ibang magpapasaya sayo at magpapaligaya sayo.
Sumama ka sa lakad ng mga kaibigan mo.
Ito lang…
Well this day ngayon nalang ulit ako nakalabas ng bahay kasi kagabi nagyaya yung kaibigan ko na pumunta sa bahay nila eh nagulat ako kasi sinabihan niya din ako.
So pumayag ako. Kahit alam kong puro B96 yung pupunta wala naman akong ilang sakanila eh mga 8 lang kami sa bahay nila. Ako yung unang dumating magkasunod lang pala kami.
Pero nung nandun na kaming lahat sila ang iingay na pero ako, nakaupo lang sa sulok parang bata lang sa The Grudge :D kinausap ako ni digi pero ngumiti lang ako. Kasi na o-awkwardan ako sakanilang lahat parang hindi ko sila kilala. Siguro ngayon ko nalang ulit sila nakita kaya ganun.
Nanuod kami ng movie pero tahimik pa din ako. 3 hours akong hindi nagsalita. Nung natapos yung movie nanuod ulit kami pero that time, tumayo ako at lumabas sabi ko pupunta ako ng 7-11. Pag ka balik ko nandun na si arden so ayun ewan ko nalang sa bibig ko kung bakit biglang pumutak :D hanggang sa pag uwi ko. Sinisigawan ko pa nga si Arden eh :D
Ito na yata yung huli kong labas sa bahay maghihintay nalang ako ng June hanggang mag pasukan :))
The latest from Brandon Silverio (@boypowder09). Brandon Is My Name, Dancing Is My Game! Multimedia Arts Student From Malayan Colleges Laguna l 16 Years Existing! | Lyrist | Guitarist | Valiant | Daydreamer . San Pedro Laguna
Kindly Follow :))
“I’m selfish, impatient and a little insecure. I make mistakes, I am out of control and at times hard to handle. But if you can’t handle me at my worst, then you sure as hell don’t deserve me at my best.”
I can show you the World, Shining Shimmering Splendid. :))
Well,first of all i have to admit that i’am an irregular college student Who Does Not Giving Up. I remember the times nung sinabi ko sa eng021 prof ko nung 2nd Day of school na, I MOST LIKE THE CHARACTER “NARUTO UZUMAKI” Because i’m a Strong Person and Not Giving Up On The Challenges That Comes In My Life.
In short, matapang ako. Dumating yung punto na nagaalangan na ako sa 3 subject/course : IT010 SS016 at ang tatlong beses kong niretake ENG021 madali naman sila eh sinasapawan lang ako ng katamaran dahil sa naninibago ako sa college isip High School kasi ako that time.
Final Examination Day at dahil takot akong bumagsak, nag aral talaga ako kahit labag sa kalooban ko nasagutan ko naman ng maayos yung isang subj. Na alanganin ako IT010 yung ENG021 nawalan ako ng pag asa kasi ang class standing ko ay 2.75 lamang at ang sbi kailangan kong IPERFECT YUN. Kaya nanghina ako Quiz at Seatwork nga Hindi ko maperfect ayun pa kaya. SS016 kung hindi ako nagkakamali ang alam ko maraming nahirapan dito syempre lalo naman ako kasi ni isa sa mga nireview ko wala man lang sa exam. Kapag ganun ang exam napipikon ako at naiiyak ako hindi ko lang pinapahalata. At ayun na nga! Paglabas ko ng room dumeretso ako ng cafeteria at sinalubong ako ni Louie. Nakita niyang naluluha ang mga mata ko at sinabi ko naman kasi yung exam nandun yung ibang A96 sinuot ko yung shades ko at yun na nga umiyak na talaga ako iniyakan ko yang SS016 na yan at lahat sila nararamdaman yung saloobin ko.
Releasing Grades pero bago pa yun, tanggap ko na sa sarili ko na may 3 failed courses na ako. Umagang umaga bumungad si ENG021 na kulay itim meaning failed. So hindi ako kumain ng breakfast at lunch sumunod yung ITO1O nanlalambot na ako at nahuli yung SSO16 umiyak na ako dito sa kwarto ng Nakangiti. Nakita ako ng lola ko naaawa siya sakin kaya todo comfort siya
2nd Term may excitement at may kaba kasi kasama ko ng 3 months ang MATHOO1 ang pinaka ayaw ko sa lahat Kampante na ako na makakapasa na ako sa ENGO21 at sa SSO15 dahil sa dito sa SS minsan nag hahighest score ako. Sa math naman tanggap ko na agad dahil 1st LongExam palang bagsak na ako hanggang sa umabot ng 3rd LongExam wala pa din akong pinasa. ClassStanding ko 21.43% and i need 98 points to pass the final examination sky is the limit. And im so fucked that time.
Pag dating sa bahay nagbukas agad ako ng laptop deretso google at youtube para lang sa math. Kasi kinabukasan nun, final exam na at first day pa ang math. Habang nag rereview my mom called. At nung ako na yung kinausap nanginginig sa iyak yung boses ko dahil ang sabi niya “GO ANAK! KAYA MO YANG MATH! MAG PRAY KA LANG GO LANG NG GO!” so nag thank you ako binalik ko sa tita ko yung phone ang sabi niya Oh! Bakit ka naiyak? Ito lang naman ang sinabi ko habang naluha “Exam na po kasi sa Math natatakot po ako.” natawa siya pero pinalakas niya ang loob ko. She said Kaya mo Yan first year ka palang ganyan ka na. Hindi dapat. For the 2nd time, umiyak ako dahil sa isang Subject.
Examination Day naiyak nanaman ako sa room katabi ko si Jenna (xsorcerryandwickedness) isa din siya sa mga taong nagpalakas ng loob ko. Dahil tumatak sa isip ko yung sinabi niya na SABAY NATIN IPAPASA TONG MATH! Kaya i washed up my tears and face the math exam. Nasasagutan ko naman siya ng tama yung ibang problems ay nasosolve ko. Pero napapraning na ako habang nagsasagot I SWEAR! Dahil sa 98 points.
Releasing of Grades kampante ako na math lang talaga ang mababagsak ko. Pero pag kabukas ko ng account ko itim ulit yung ENG021 yung MATH itim na din pero tanggap ko. Pero yung eng? My god! Give me a break! So chinat ko yung prof ko ng eng at ang sbi niya dahil lang sa final exam eto siya.|. Mga bandang 6pm nag black din yung SS015 binato ko yung cp ko sa sobrang inis and. Unfortunately bumaha nanaman dito sa san pedro. :D dalawang araw akong hindi nagsalita at nakatulala napapansin na pala ng kuya ko yung mga kilos ko.
Dumating yung time na nalaman na nilang lahat hindi naman sila galit saken. Yung lola ko natatakot na dahil alam niyang super depress ako kaya todo kausap siya saken.
3rd Term HUMO11 and DRAWO2OW ang nabagsak ko pero hindi na ako lumuha pa i’ve had enough! Dahil i realized na walang mararating kung mag iinarte lang ako kaya tinanggap ko ng maluwag at with matching smile pa habang sinabi ko sa mom ko yun. At ang sbi niya lang TSK! TSK! TSK! kaya natawa nalang ako.
Hindi ko ikinahihiya ang pagiging irregular student ko because Failures are part of our life. If you dont fail you’ll never learn. Pag tawanan nila ako? I dont care basta ako, just continue to the flow and life must go on!
Kaya kong tapusin kung ano man ang aking nasimulan. At kaya kong Habulin kung ano man ang aking naiwan
Dati,hindi ako marunong mag ayos ng sarili ko. Kung ano yung itsura ko eh,wala akong pakialam. Maputi ako noon. Ngayon naging kulay brown coffee dahil sa CAT trainings.
Kung madumihan ako lang sakin natutulog akong hindi malinis. Nangyayari ito nung Grade 1 hanggang 2nd yr HS ako.
Nung 3rd yr ako sinubukan kong bumili ng pampaarte sa katawan Facial wash,Whitening soap,Lotion,Pulbo at kung anu-ano pa. May nakikita naman akong improvement actually natuwa ako :D.
Ngayong college na ako mas lalo akong conscious lalo na kapag nasa school. Hindi mawawala ang Pabango at Pulbo sa bag ko every minute nag pupunta ako sa C.R para mag pulbo at magsuklay ng magsuklay aaminin ko matagal kaya kapag kasama ko mga kaibigan ko ang tagal daw. But definitely i’m not Insecure with someone.
Mapili na din ako sa pananamit kapag pupuntang school o kahit saan.
Kapag uutusan akong lumabas para bumili lang sa Kapit bahay todo hanap ako ng pulbo at magsuklay at magpalit ng damit. Luh! O.o kapag bagong gising naman harap agad sa salamin at fortunately, magsuklay :D
Yung tipong naliligo ako ng tatlong beses sa isang araw? Tsk! Tsk! Tsk! Daily Routine na -_- eh wala eh ganito na ko ngayon eh. GINAGAWA KO ITO HINDI PARA MAG FEELING O MAGPAPOGI Kundi Inaalagaan ko lang ang sarili ko. Kasi kung babalikan ko ang dati kong itsura pati mismo ako natatakot. :D
Bored Morning -_-